-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

Batibot

Sino ba ang makakalimot sa sikat na palabas na ito tuwing umaga.Lumaki ako na ito ang pinanood sa bahay ng kapitbahay namin.Tara balikan natin ang mga personalidad sa isang natatanging programmang ito.

si Pong Pagong

ito yung nawawalang kapatid nila Raphael, Donatello, Michaelangelo at Leonardo.Kaya nga lang isip bata at puro laro lang ang alam nito.


Si Kapitan Basa
Pag nakaproblema ka, tiyak kung darating at darating si Kapitan Basa para tulungan ka sa mga problema mo.Pinangarap ko din dati na dumating si kapitan Basa sa classroom namin nung grade 3 ako para turuan nya ako sa tanong ng titser ko kung "Ilang ang paa ng matsing?"


Si Kiko Matsing

Dati pag napapanood ko ito, iniiisp ko na ang matsing walang paa, lagi kasi nasa drum o kaya kung minsan nasa jeep lng sya. Buti na lang may kapitbahay din kaming mukhang matsing (for the record: hindi ito yung pinapanooran ko ha!), kaya nalaman ko na may paa rin sila.

Si Manang Bola


Dahil dito nasa-ulo ko ang ang "BA BE BI BO BU".habang sinasabayan ko siya sa kanyang litanya na "Perlas na bilog wag tutulog tulog sabihin sa akin ang sagot.....".
Hindi ko alam kung mga bola lang lahat ng sinasabi nya gayunpaman naniniwala ako sa mga sinasabi nito.


Si Irma Daldal

Actress-wannabe hehehe pero cute pa rin kasi napapatawa pa rin nya ako kahit minsan hindi ko maintindihan na kailangan kung tumawa sa mga sinasabi nya.



Si Ging ging at Si Ning ning

Magkapatid na puppet. Si Ging ging ang matanda at seryoso habang si Ning Ning naman yung bunso.


Dito sa opis meron Live manifestation ni Ging ging at Ning ning (Ngayon ko lng napagtanto; tama tama yung description ng character nila sa tinutukoy kong kaibigan; ewan ko lang kung ituring pa nila akong kaibigan after nito). Sa 11/f DBP Bldg opis namin hehehe





Si Sitsiritsit At Alibangbang

Ang Alien na nag -invade sa mundo, Pinag-aaralan ang mga bagay bagay dito sa atin.Laging makikita sa labas ng bintana.Curious lng ako bakit kaya ganito name nila: Bakit hindi na lang Salaginto at Salagubang ? kayo alam nyo?



ang balat ko'y puro palikpik
(palikpik...palikpik)
madulas pa ang kaliskis
(kaliskis..kaliskis)
lumalangoy at sumisisid
(sumisisid)

isda... isda... isda...
isda... isda... isda...

More of Batibot Click me!