nasumpungan ko ito habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit at nagbubuklat ng mga notebook na ginamit ko nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo.Kung hindi ako nagkakamali, nabasa ko ito sa isang magazine na hindi ko na maalala ang pangalan.
-------------------------------------------------------------------------------------
Maraming mga mag-asawa ang nag-iisip na ang kasal ay nagbibigay sa kanila ng karapatan magmay-ari sa kanilang kabiyak katulad ng pagmamay-ari nila ng radyo, ref. o kalan. Subalit ang mag-asawa ay hindi pag-aari ng isa't-isa; sila ay pinagkaloob sa isa't-isa.Nananatili ang kanilang pagkakakilanlan. Ayon nga kay Kahlil Gibran, isang manunulat sa Lebanon, " Sa Templo ang mga haligi ay nag-iisang nakatayo, at dahil nga dito nagagawa nilang dalhin ang magandang kisame.". Masdan mo ang mga simbahan o malalaking gusali; ang mga haligi ay hindi magkakalapit, o kaya'y magkakadikit. Ang mga ito ay itinayong may agwat. Maging sa kalikasan ay mayroong pagpaparaya at pagtitiwala. Ang malalaki at magagandang puno ay hindi nabubuhay sa lilim ng isa't-isa. Ang lilim ay sumusunod sa paglaki, sa hugis at sukat ng puno.
Ang tunay na pag-ibig ay nangangailangan ng pagitan, habang kinikilala mo ang diwa ng pansariling kalayaan ng iyong asawa, Lalo ka niyang matatanggap na isang malaya at malugod na regalong ibinigay sa kanya.
Usual
2 months ago
0 reaksyon:
Post a Comment