-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

samu't-sari : Pasasalamat


Nagpunta kami sa Pangasinan upang magswimming sa beach (cue : Tayo nang magswimming sa balong malalim.......). saka ko na lang iku-kwento ang mga detalye.
Magpapasalamat lang ako sa parents ni Melang at syempre kay Melang na rin.Sa mainit na pagtanggap at masusing pag-aasikaso sa amin.
tenkutenkutenku



sa Driver naming si Kuya Eddie (cue : Napakasakit kuya eddie ang sinapit ng aming....), sa pagpapamalas nya ng galing sa pagmamaneho at maayos kami'ng nakarating sa aming pupuntahan.
pn: Sobrang pagod ang inabot ko sa pagga-gwardya nung nagbabasketbol .... =)
tenkutenkutenku


kay Pating na nag-paunlak na mag-Stay kami sa kanila habang inaantay namin ang 3 am (Teka, may choice nga ba sya? hehehe)
tenkutenkutenku


Salamat kay "Pam" (hindi tunay na pangalan: hindi ko na nagawang itanong ang tunay na name nyo kaya bininyagan na lang kita hehehe...) employee ng NBS-Shang na nagturo sa kin ng NBS-Crossing kung saan ko nabili yung "Alamat ng Gubat" ni Bob Ong.
tenkutenkutenku


sa katabi ko sa shuttle kanina. Damang-dama ko yung alab ng pagtanggap mo; Tagaktak yung pawis ko kahit Aircon yung auto. Sana sa susunod na makadaumpalad kita, wala na ang pinagmamalaki mong "Baby Fats" at maiiayos ko ang pag-upo ko papuntang opis!
salamat sa pambihirang karanasang ibinahagi mo; wala na sana'ng pagkakataong maulit iyon
tenkutenkutenku

1 reaksyon:

  Anonymous

Saturday, September 09, 2006 4:09:00 PM

Thank you!
http://yshglwxy.com/bret/pfrb.html | http://clbvjfdl.com/xpsf/vaje.html