at last nakita rin kita...
matapos ang isang linggong paghahanap, naapuhap ko din ang librong ito...Naglibot ako sa mga branches ng Powerbooks (G3, Glorietta) at NBS (Sucat, Glorietta, Greenbelt, Megamall, Shang, Crossing!) buti na lang hindi ako nakarating ng Mindanao sa paghahanap, malamang nakasalubong ko pa dun ang mga Abu Sayyaf! yiks!
sa aking kasabikan, hindi ko napansin,
ang mga asong papalapit sa akin..
halos muntik akong maluha sa tuwa ng binabayaran ko na sa Counter, hindi ko tuloy namalayan na biente lang pala ang naiabot ko sa cashier. ayon, nagmukha ako temang waaaah buti na lang ang mabait na Cashier at hindi nya pinahalata na nag-enjoy sya sa katangahan ko waaaah ulit.
at sa sobrang takot,
patakbong naiwan ang suot kong tsinelas
pagsalampak ng puwit ko sa upuan ng bus pauwi sa amin; Dali-dali kong binasa ang mga mahiwagang kataga napapaloob sa alamat. at bago pa ako nakababa natapos ko ang adbentyur ni tong sa paghahanap nya ng puso ng saging.... mas mahaba pa yung paghahanap kesa sa pagbasa sa alamat hehehe
sayang, hindi ko man lang nalaman
ang iyong pangalan! =)
pn: sa kwento, peborit ko 'yong character ni Ulang (Lobster). Minsan kasi nagiging "Ulang" din ako sa tunay na buhay: Nahihirapan gumawa ng wala!
pn: Sa nagmamay-ari ng huling tatlong libro ni Bob Ong, Kailangan bumili kayo nito para pwede yung ipagmalaki sa Opismeyt nyo, lunch-buddy nyo, Badminton Partner nyo, kachat nyo,katabi nyo sa bus, Tindero ng taho, naglalako ng Baluuuuut, at syempre sa nanay at tatay nyo na nakumpleto mo ang libro ni Bob Ong..
teka, sino nga ba si BOB ONG?
6 reaksyon:
Wednesday, May 18, 2005 11:16:00 PM
pre..
si bobong pinoy yun di ba? hehehehe. post ka naman nung abnkkbsnpl ako ... mas ok yun..
Thursday, May 19, 2005 9:10:00 AM
yep... ganda nga nun abnkkbsnpl ako..lupet!
tnx emanon sa pagdalaw!
Thursday, May 19, 2005 1:23:00 PM
d na ako naaliw sa kanya, 'abnkkbsnpl ako' lang ang nagustuhan ko sa kanya e =(
Thursday, May 19, 2005 2:37:00 PM
yung last part, patama sa bulok n Gobyerno!
=)
Thursday, November 02, 2006 2:37:00 AM
Well done!
[url=http://zgryiqtq.com/vjcd/cknz.html]My homepage[/url] | [url=http://ltzpagxg.com/lwar/amwv.html]Cool site[/url]
Thursday, November 02, 2006 2:37:00 AM
Nice site!
http://zgryiqtq.com/vjcd/cknz.html | http://fyahhacd.com/wtmd/nunn.html
Post a Comment