-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

hindi ka maka-received ng text, kasi...

1. Delay ang text.(hayaan mo after a week or 2 magbi-beep ang yang celpon mo para ipaalala syo na madi-delay syang magtext)
2. Death-spot pare! (sana mas hinabaan mo yung antenna ng celpon mo yung kasing taas ng PBCOM Tower sa Ayala or baka naman na sa BUNDOK TRALALA sya, wala pa celsite dun)
3. Battery Dead, Lowbat ek-ek (sabi naman syo magMOTOLITE ka e, Tropicalized na or di kaya ENERGIZER ginamit mo, it will keep going... going... going....)
4. Wala'ng load.(ahh, celpon pala hawak mo, kala ko gameboy! hehe)
5. Nasa parlor nagpapamanicure (attention celpon maker, gawa kayo ng keypad na pwede gamitin ang paa sa pagti-text or yung VOICE ACTIVATED para kewl! astig!)
6. Naisnatch na yung celpon.(kabibili mo pa na naman nung bagong model, BOKIA 690804)
7. Kausap nya yung crush nya at ayaw nya ipaalam na may BF/GF, asawa na sya.(pagkakataon nga naman. kaya grab it while it last. di na ito mauulit bukas....)
8. Kumakain sya ng Breakfast gayong six o'clock na ng gabi.(wag ninyo istorbohin ang taong gutom.Baka makain kayo ng buhay!)
9. Tulog pa! (Malamang 6pm na yan magigising....see previous and succeding number).
10. Lasing kagabi.(tirahin ba naman ang pinagkakatagong shoktong lakas tama yun... see previous number)
11. Nasa work at kasalukuyang sinasabon ng kanyang imperyalistang boss.(pinapagalitan dahil sa hindi matapos-tapos na trabaho dahil sa pagti-text...sa sama ng loob naglasing...see previous number)
12. Baka nasagasaan ng train!(magtext ba naman habang naglalakad sa riles ng train eh, malamang!)
13. Laktawan natin ito mapamahiin ako eh, hindi ko gusto itong number na ito!
14. Nanonood ng inaabangan nyan telepantasya sa TV (Ding, ang Bato!...DARNA)
15. Nasa Loob ng sinehan(ssssshhh... bawal ang tunog ng celpon sa loob ng sinehan, istorbo sa nagkukwentuhang tao about sa ending ng pinapanood mo..Pakshet!)
16. Celebrating mass/nangungumpisal kay Father/nagdarasal (alang side comment, serious ito)
17. Nasa mall (either shopping, bowling, Arcade, billiards.. anu pa ba pwede gawin sa mall?!?)
18. Istorbo ka lang.Wag ka na umasa ayaw ka talaga iText.(this Hurts, Ouch!)

disclaimer:
ito ay gawa ng isang malikot na kaisipan.Ang iba sa nasusulat ay maarng totoo, subalit maaring hindi angkop sa kasalukuyan kalagayan at pagkakataon.

Tolits

4 reaksyon:

  Anonymous

Friday, August 05, 2005 1:58:00 PM

grabe, ilang toink ba ako dito...hmmm...number 1, 2, 3, 4(para sa roaming ko, pano ba kasi mag load?any info?), 7, 8, 15, 17 and 18...so 9 lang pala, not bad! =)

may dagdag ako...hindi ka makaka-received ng text kasi - mali ang SMS settings ng cp mo...nangyari yan sa akin yr2000, bago cp ko and dahil inosente pa, pati SMS settings pinaki-alaman. hehehe, toink!

  Anonymous

Friday, August 05, 2005 2:05:00 PM

teka, error ng smart.. follow ko lng instructions

waaaaah!

baka sa susunod magpapalit na ako ng network!

=)

  blue_palito

Monday, August 08, 2005 3:32:00 PM

saktong sakto to ah. nice artik!

  Tolits

Tuesday, August 09, 2005 1:20:00 PM

sakto ba hehehehe


tenk you! @Blue_palito

=)