-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

foot spa, spongecola at iba pa

january 21, 2007

1:00pm
wala akong magawa ng mga oras na ito. Bigla nagtext si Morris na nandun na raw yung order kong mga DVD (pirata).Matapos, kumain, maligo at nag dalawang isip kung isusuot ang nabiling bagong sapatos, nagpunta ako sa Coastal mall.

Di ko pala sinuot ang bago kong sapatos.Lumaon nag pasya na lang akong mag sandal.

2:00pm
nasa loob ng FX papuntang SM sucat.Nagtext si sarah, "Nasa SM -Sucat ang Spongecola. 4pm."


2:40pm
nasa loob ako ng LET's FACE IT ."Miss, magpa -footspa po.pati pedicure."... {kung pwede papakulot ko din ang buhok ko sa kili-kili-- di ko na ito sinabi, naisip ko lang dahil sa sobrang inis ko dun sa receptionist.. ayaw ako pansinin, may pambayad naman ako e..... sana nga nagsapatos na lang ako para kahit papano di ako pagkakamalang walang pambayad.}




4:20pm
"Boy, tabi ka dyan.. daanan yan!". sabi sa akin ni manong guard habang umuusok ang butas ng ilong. Siguro sa dami na nang nasaway nya at pinaalis na makulit na tao'ng nakatayo dun sa daanan habang kumakanta ang spongecola.

4:50pm
Binibilang ko ang mga taong nakapila para magpa-authograph kina Armo, Gosh, Yael at Chris.Mahaba-haba din...tatlo kaming lalaki sa mahabang pila, isa sa medyo unahan, isa sa harapan ko at ako..

pirma, pirma at pirma {at pirma ulit}.. nakuha ko na yung CD ko.



naisip ko pagbaba sa stage, mali ang bilang ko....dalawa lang pala kaming lalaki. yung nasa harapan ko lalaki pala ang gusto.

5:10pm
"may two pesos ka ba?"..... "wala" sagot ko dun sa teller ng bilihan ng movie ticket, Cinema 3 ERAGON.

isang buong maghapon ko, para sa isang bagong taon. Para sa post ko sa blog na ito.


++++++
di ko pa po inabandona ang blog na ito - tolits

2 reaksyon:

  Anonymous

Wednesday, January 24, 2007 5:17:00 PM

"nag dalawang isip kung isusuot ang nabiling bagong sapatos" - pero bakit kailangan pang mag dalawang isip, kaya mo nga binili para isuot hindi para itabi.

"ayaw akong pansinin" - yan tuloy napagkamalan kang walang pambayad..dahil sa sapatos na hindi isinuot.

ayos sa picture yung paa, pero bakit 2 lang, diba dapat apat? (quite confusing..hmmm)

"boy tabi ka dyan" - mukhang nagkamali pa ng tawag sa iyo si manong guard, diba dapat "bo" lang? buti nalang inamin mo na makulit ka.

"may two pesos ka ba?...wala" - pero bakit nga ba wala kang dalawang piso?

medyo napansin mo siguro na mahaba ang comment ko, just imagine how many months in the making this post is, nakaka-iyak naman siguro kung one sentence lang ang comment ko. and im quite sure na yung next comment ko for your new post will be as long as this one (nagsalita ang mahilig mag post sa blog)

ps. hindi po ba nakakakiliti at nakaka-ihi magpa-foot spa?

=)

  Anonymous

Friday, January 26, 2007 2:45:00 PM

sayang spongecola.

sabagay, break na kami ni Yael. Di ko na sha crush.

Gusto ko rin sana panoorin Eragon kasi mala-LOTR slash Star Wars ek ek. Kaso mabibitin lang ako. Pag kumpleto na lang ang sequel.

Si Morris, bespwen mo na rin? bwahaha.