-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

30 things about me

Dahil 30 years old na ako, i'll share some of me.Read on and enjoy..

1. Insomiac. Madaling araw na ko kung matulog.Kung walang work kaya ko na di matulog sa buong magdamag.

2. I like ginisang ampalaya, okra at tortang talong.Sama mo na rin ang hipon at ibang lamang dagat pwera lang adobong pusit(yuck!). Chinese food the best!

3. Neophyte in playing badminton.I enjoy playing bowling, billiard saka basketball(naks! sporty!, lampa naman).

4. Mas malabo ang right eye (-2.75) ko kesa sa left eye (-2.00).

5. Lumaki , pinanganak sa Pque.Pansamantalang nakatira sa Las pinas at gusto parati mag bakasyon sa Siniloan.

6. Sumali at nanalo sa isang Math contest nung hayskul.

7. Peborit ang blue T-shirt.Mostly black ang socks.Use only one brand of underwear.


8. Madalas mawalan ng contact lens habang suot.

9. 23 Peborit number dati dahil sa idol na si MJ (Mark Jimenez?!?! nah!) His Airness Michael Jordan.
Pero ngayon 9 na kasi up-side down sya ng 6.

10. Mababa ang tolerance sa alkohol isang bote lng lasheng na. (Pero napagkakamalang lasenggero sa laki ng tyan ... MAYOR!).

11. Mahilig sumagot ng Tagalog crossword puzzle at sudoku.

12. Muntik nang tamaan ng lumilipad na eraser nung grade 4.Hobby ko kasi ang makipagwentuhan habang abala ang titser ko sa pagpapaliwanag ng photosynthesis.

13. Mario Bros ang unang video game na nalaro ko. Nasubukan ko din ang "GAME and WATCH" (di pa uso noon ang gameboy at PSP).

14. Madalas akong late specially sa mga morning schedule (see #1).

15. Special Unit ako sa ROTC nung college para exempted sa pagsasayaw sa PE.(Who would think dancing is fun habang nakabilad sa araw at pinanonood ng buong sambayanan).

16. Tatlo ang birthday ko.
Birth Certificate : May 29
Baptismal Certificate : May 31

Pero 30th of MAY talaga ako iniluwal ng nanay ko.

17. Nanalo sa isang electronic raffle para ma-waived ang lifetime membership fee ko sa kilalang Credit card.

18. Night Student sa AMACLC-Sucat (94-95), habang stay-in-kasambahay sa isang Dog-breeder bago nag-aral sa AdU.

19. Member ng Cheering Squad noong 3rd at 4th yr Hayskul.
(Heto na.... heto na... heto na.... awwwwwww)

20. Trenta na ako pero mahilig pa din manood ng mga anime like Naruto, Bleach, Shaman King, Ghost Fighter at marami pang iba.

21. Tropa ni duncan at Parker ang kasalukuyang peborit team sa NBA. Go Spurs!

22. Second sa limang magkakapatid na lalaki.(we have girl sibling but unfortunately, she died).how i wish may kapatid akong babae.

23. Madalas makinig ng Nursery Ryhmes specially Ba Ba Black Sheep.

24. Crush si Winona Ryder, Angelina Jolie at Angel Locsin.

25. Ilang beses nag pinanood ang "American President", "Autumn in New York", "Girl, Interrupted","Independence Day", "Heaven and Earth", "Sassy Girl" at maraming pang ibang movie.

26. Knows how to Cook Adobo with ONIONS???(onions? in adobo???)

27. Supplier na nakakalasong Air freshner (Methane flavor) due to the fact na ACIDIC.

28. Nagko -Collect ng mga mechanical pencil. Sama mo na yung double coated 10 pesos na barya...

29. Hindi nakakaboto dahil laging nawawalang ang pangalan sa listahan ng mga botante.

30. Craving for LINDT (dark chocolate with hazel nut) san ba pwede bumili nito?! anyone?

3 reaksyon:

  Anonymous

Thursday, May 31, 2007 11:47:00 AM

Alam ko nga May 30 ka e.
Weird.
Buti na lang 1 week ang celebration ng bday mo.

  Tolits

Thursday, May 31, 2007 2:51:00 PM

nyak 1 week k jan hehehe

tnks anyway sa greet...

sa susunod na ang sisig nyahaha

=)

  Anonymous

Friday, August 17, 2007 8:55:00 PM

hi! your blog's interesting! i enjoyed viewing & reading it.. galeng...keep it up! namiss ko 2loy ang PMHS...m batch '89..