-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

Open Letter

Dear Percy,
Marahil nagtatampo ka sa akin, madalang kasi na puntahan kita o silipin man lang, ni miminsan din di ako nagbigay ng peyborit mong flowers.Teka ano nga ba peborit mo? rose or orchids? White, yellow, pink or red? Di ko man lang lasi natanung dati sa iyo noon at malamang naman di mo rin naman kayang sabihin..Gaya ng nararamdaman mo dati, di mo nagawang sabihin. Idinadaan mo na lang sa pag-iyak. Kung may paraan lang sana ako na malaman nararamdaman mo kahit sana papano makagawa ako ng paraan para pasayahin ka. Sana naiintindihan na kita noon pa man. Alam ko na mga bata pa tayo noon pero naparamdam ko sana na Mahal kita. Sana di ka na nawala.Sana nandito ka.. Ang daming "SANA" noh??
Marami na akong nakakasalamuha ng kasing edad mo din madalas hinahanap ko ikaw sa kanila. Madalas ini-imagine ko na ikaw yun pero syempre iba ka sa kanila.Iisang matris ang nagluwal sa atin dito sa mundo.
Bakit kasi nawala ka agad. Haay, until now di ko pa din matanggap ang biglaan pagkuha sayo pero syempre i can't argued with HIM.
Parehong may sakit si nanay at si tatay ng mga panahong yun.Naisip ko tuloy you saved them for us kami na mga big bros mo.Pero who would know...
Miss na kita at Mahal Ka namin,Percy.
Sana magkita tayo ulit(But not anytime soon hehehe!)
Kuya Tolits

0 reaksyon: