Sino ba ang makakalimot sa sikat na palabas na ito tuwing umaga.Lumaki ako na ito ang pinanood sa bahay ng kapitbahay namin.Tara balikan natin ang mga personalidad sa isang natatanging programmang ito.
si Pong Pagong
ito yung nawawalang kapatid nila Raphael, Donatello, Michaelangelo at Leonardo.Kaya nga lang isip bata at puro laro lang ang alam nito.
Si Kapitan Basa
Pag nakaproblema ka, tiyak kung darating at darating si Kapitan Basa para tulungan ka sa mga problema mo.Pinangarap ko din dati na dumating si kapitan Basa sa classroom namin nung grade 3 ako para turuan nya ako sa tanong ng titser ko kung "Ilang ang paa ng matsing?"
Si Kiko Matsing
Dati pag napapanood ko ito, iniiisp ko na ang matsing walang paa, lagi kasi nasa drum o kaya kung minsan nasa jeep lng sya. Buti na lang may kapitbahay din kaming mukhang matsing (for the record: hindi ito yung pinapanooran ko ha!), kaya nalaman ko na may paa rin sila.
Si Manang Bola
Dahil dito nasa-ulo ko ang ang "BA BE BI BO BU".habang sinasabayan ko siya sa kanyang litanya na "Perlas na bilog wag tutulog tulog sabihin sa akin ang sagot.....".
Hindi ko alam kung mga bola lang lahat ng sinasabi nya gayunpaman naniniwala ako sa mga sinasabi nito.
Si Irma Daldal
Actress-wannabe hehehe pero cute pa rin kasi napapatawa pa rin nya ako kahit minsan hindi ko maintindihan na kailangan kung tumawa sa mga sinasabi nya.
Si Ging ging at Si Ning ning
Magkapatid na puppet. Si Ging ging ang matanda at seryoso habang si Ning Ning naman yung bunso.
Dito sa opis meron Live manifestation ni Ging ging at Ning ning (Ngayon ko lng napagtanto; tama tama yung description ng character nila sa tinutukoy kong kaibigan; ewan ko lang kung ituring pa nila akong kaibigan after nito). Sa 11/f DBP Bldg opis namin hehehe
Si Sitsiritsit At Alibangbang
Ang Alien na nag -invade sa mundo, Pinag-aaralan ang mga bagay bagay dito sa atin.Laging makikita sa labas ng bintana.Curious lng ako bakit kaya ganito name nila: Bakit hindi na lang Salaginto at Salagubang ? kayo alam nyo?
ang balat ko'y puro palikpik
(palikpik...palikpik)
madulas pa ang kaliskis
(kaliskis..kaliskis)
lumalangoy at sumisisid
(sumisisid)
isda... isda... isda...
isda... isda... isda...
More of Batibot Click me!
6 reaksyon:
Wednesday, February 08, 2006 8:21:00 AM
honga, wawa naman yung kapitbahay nyo hehehe
"tara na sa batibot, tayo nang magsaya
doon sa batibot tayong nang magsaya "
Friday, February 17, 2006 6:18:00 PM
hindi mo naman nilagay si kuya bodgie! hindi na kita kabati. hmmmmmp!
Friday, February 17, 2006 6:19:00 PM
sa susunod naman sila pati si ate siena!
=)
Tuesday, April 18, 2006 11:34:00 AM
Dati sa sobrang Batibot-fanatic ko, galit ako sa Sesame Street. Kala ko kasi ginagaya nila yung Batibot. Parang Mcdo, ginagaya yung Jbee. Dati pa un. Kala ko lang ginagaya ng Kano yung satin hehe.
Inaabangan ko lagi si Irma Daldal. Tsaka si Manang Bola. Pero ang saya saya pag tumutugtog na yung opening song.. PAGMULAT NG MATA....
Friday, September 15, 2006 6:31:00 AM
Good design!
[url=http://durjygnm.com/crvl/lfwf.html]My homepage[/url] | [url=http://cbqwppyz.com/sxqa/vgpo.html]Cool site[/url]
Friday, September 15, 2006 6:31:00 AM
Nice site!
http://durjygnm.com/crvl/lfwf.html | http://afzfenud.com/ebmp/mmlp.html
Post a Comment