-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

Hibang

Natatanaw ko ang liwanag
na iyong taglay
dito sa kinaroroonan ko
malayo sa piling mo
subalit,
di ko nakikita ang kislap
na nagmumula sa'yong mga mata
na kung masisilayan lamang
ibayong ligaya ang madarama.
hibang kang maituturing
kung hindi mamalasin, nanamnamin
ang kulay at hugis
ng mundong umiikot sa'yo?
sadya nga bang nasilaw na ito
sa alab ng sikat ng araw?
O pilit lamang ipinipikit
upang di mamalas ang kapaitang
sinapit sa mga nagdaang panahon?
O ang pangamba sa paanyaya ng
darating na bukas?
subalit paano ang ngayon at ang kasalukuyan?
kung patuloy na nakapinid
ang salamin ng 'yong buhay
maghihintay na nga lang ba?
hanggang kailan?
hanggang saan?
ipakita mo naman.


-------------------------------
gawa ko nung May '98


Sa Minsang Pagmulat ng mga Mata. <--- click n'yo ito

0 reaksyon: