-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

thank you

bumabaybay ako sa kahabaan ng EDSA, nang may napansin akong cute na dalaga. Dahil sa puno na ang Bus at walang mauupuan ang byaheng Sucat-Alabang dali-dali ko syang pina-upo.. ganito ang naging usapan namin..

babae na cute : Grabe! so madami ang people...wala na akong maupuan
<*babae palinga-linga, linga to the left..... linga to right..... linga to the front.. and finally linga to the back*>
babae na cute : <*pabulong na sinabi*> Wala na talaga'ng BoyScOUt sa panahon today! so kaka, talaga!
ako : <*na-alingpungatan dahil sa biglang preno ng mama'ng driver upang mag-pasakay ng pasahero kahit nasa gitna ng kalye*> Ayos ah Astig 'tong driver na ito! <*pabulong kong usal... may kasama na ring dasal naway makarating ako ng buhay*>
<*napansin ko ang babae na cute*>
ako : <*pacute, wink..wink*> miss, dito ka na oh?!?!
babae na cute : Buti naman at may BoyScout pa palang buhay! so Gosh! grabe! <*dali-daling umupo sa binakante kong upuan*>
ako : ay! miss may sinabi po ba kayo?
babae na cute : Huh?!? <*sabay taas ng kilay na animo'ng matatanggal sa sobrang taas*> wala noh!?! Duh?!?!
ako : akala ko kasi narinig ko kayo'ng nag-sabi ng Thank You!







2 reaksyon:

  Anonymous

Monday, April 11, 2005 11:49:00 AM

grabe naman un.

ayan.. kasi... ang hilig sa babaeng cute eh. nyahaha.

  Tolits

Monday, April 11, 2005 1:07:00 PM

uy, hindi po ah hehehe

gusto lang makatulong

hehehehe