-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

PMHS DOST Class '94 (Sutil)

Ang HIgh School life namin! read on and enjoy!


  • Batch namin ang unang nagkaroon ng Computer class (for a public school, anak ka ng Diyos pag meron kang subject tulad nito).
  • Katulad ng Computer class, Iba rin ang curriculum na sinusunod namin kaya ang mga subjects namin panay Advance; Advanced chemistry, Advanced Math, Advanced Science hehehe joke lang baka magalit yung titser ko nito
  • kami ang first ever young champion sa cheering squad (yearly competition held during INTRAMS), nung Sophomore year, tinalo namin yung mga Junior and Senior. This event usually won by the Senior... Belat na lang sa kanila hehehe
  • sa batch namin isinilang ang unang batch nang kakompetensya, yung Parañaque Science High School; sampit sa aming skewl! Layas!
  • Nakakatawa isipin pero sa batch 'ata namin nagkaroon ng consistent muse ; at kung may consistent muse may consistent escort (names withheld hingi muna ako permission, hehehe )
  • katulad nung sa libro ni Bob Ong: abnkkbsnplako may sari-sarili ring codename ang mga mahal naming guro (wish ko lng hindi nila mabasa ito)....ito yung ilan sa mga bansag namin sa kanila: Shaider, four-eyedMonster
  • Noong Sophomore year at nauuto pa kami ng wrestling : ang siste, kada lunch break parang may mini-ring sa gitna ng lobby; joseph (Ultimate warrior) at si Butch (hindi ko alam kung sino ini-imatate nya eh!)
  • "Go home and plant camote". Kung sayo sasabihan nito malamang magpapanting ang mga tenga nyo; it was the same words na sinabi ng butihing ka-batch namin sa isang guro.
  • Sa batch namin, na-uso ang room na naka-linolieum. astig di ba!
  • Halos mapuno ng Dyaryo ang room ng section 1 nung Sophomore year, bilang support sa Bb. Agham, syempre ang consistent muse ang pambato namin dito!
  • Nagdeclare kami ng sariling holiday. Hindi kami nagkasya sa isa, dalawang beses namin ginawa ito.Pagkatapos ng field trip, napagkasunduan na hindi papasok kinabukasan...nagtataka(or nag-enjoy) tuloy ang mga guro namin dahil wala kami hehehe....kaya ayun lahat kami nasa department head office nung tapos na ang holiday.
  • Sinundan kami ni Mr. Espino from 3rd year to 4th year para hindi masira ang kors outlyn ng mathematics namin.
  • Sa batch namin, panandaliang nag-quit sa COCC ang mga boys ng section 1, tapos pinabalik lang ng mga CAT officers. hindi ko matandaan kung anung naging issue dito pero sama-sama pa din kami!
  • Sa batch namin , sad to say, walang kinuhang highest ranking officer (CAT : Corp Commander at Wing Deputy Commander). Side Comment : S3 plan Training Officer ako hehehehe
  • Junior yung gumawa ng yearbook namin ay hindi kami. Pa'no ba namang kasi hindi namin pinapasukan yung subject na Journalism na ang titser ang s'yang naghahandle ng Year book. Minsan naiitanong ko tuloy : "Yung Subject ba ang ayaw namin o ang titser?" hmmmm...
  • Lahat ng Honor ng batch namin ay panay babae: from Valedictorian down to 5th honorable mention.

pahabol: salamat pala sa mga nag-ambag dito: geof, phoan, cheryl, mitos, becca at myra

7 reaksyon:

  Anonymous

Wednesday, April 20, 2005 10:10:00 AM

hahaha this is funny...

kaya crush na crush namin dati mga seniors namin.. astig kasi e.. =)

  Tolits

Wednesday, April 20, 2005 11:05:00 AM

astig ba?!?! hehehe

  Anonymous

Wednesday, April 20, 2005 1:28:00 PM

oo naman! pag dumadaan sa corridor.. lahat kami nakatingin eh. nyahaha.

  Tolits

Wednesday, April 20, 2005 2:51:00 PM

dnt tell me pati mga boys nyo nkatingin sa labas?!?!? @blue_palito

  Anonymous

Thursday, April 21, 2005 12:00:00 PM

oo kasama sila na nakatingin sa labas bwehehehe

HD! HD!

  Tolits

Friday, April 22, 2005 4:43:00 PM

talaga!!

i wonder kung sino-sino yung 3rd year na yun

  Anonymous

Friday, August 05, 2005 1:51:00 PM

Oist! sobrang naligayahan ako ha?! those were the days ika nga.. pero sarap balikan ang mga kalokohan natin sa PMHS... mga sutil.. hehehe JOKE! miz yah guyz!

ingatz!