-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

walang pamagat


Nangingilid ang luha
sa mga mata
nagbabadya ng di kaaya-ayang
pagbaha ng mga bugtong-hininga
sasabayan ng libo-libong alalahanin
habang magtatampisaw sa tampo
ang kaluluwang
umaamot ng pansin
kahit di sinasadya.

Sa sulok ng madilim na silid
masugid na inaabangan
ang pambihirang liwanag
upang muling masilayan
ang nag-aalab na mga ngiti
ng kahapon
at dugtungan
ang duyan ng nagsanga-sanga'ng
alaala
ng nakalipas.


Ngunit nasa'n ang liwanag
tinakasan na
at di na mahagilap.


LINTEK! talaga 'tong meralco,
papa'no na ang "DARNA"'ng
inaabangan ko.



{para sa mga taong may inhibisyon kay DARNA : Angel Locsin}


Image hosted by TinyPic.com

4 reaksyon:

  Anonymous

Wednesday, April 20, 2005 2:00:00 PM

hanep sa katawan no...

pati ba naman ikaw??!

  Tolits

Wednesday, April 20, 2005 2:11:00 PM

seksi! sobra hehehe

hindi po...pero si wanie gusto nya ito, thou i like Angel locsin

kaya wag mong itatanong kung napanood ko yung "let the luv begin".... hehehe

=)

  Anonymous

Saturday, September 09, 2006 4:16:00 PM

Well done!
[url=http://qusyryry.com/hlxm/exll.html]My homepage[/url] | [url=http://anhvrhbx.com/nyav/xqvd.html]Cool site[/url]

  Anonymous

Saturday, September 09, 2006 4:16:00 PM

Thank you!
http://qusyryry.com/hlxm/exll.html | http://nuomuvev.com/kvij/tiir.html