Nakakatuw'ng balikan yung mga 1st sa buhay natin.yung unang nagsalita, lumakad, tumakbo pati ata pagkakadapa; yung unang tayong pumasok sa iskwela, nagsulat, natutong magbilang ng 1,2,.3 ... at magbasa ng A, B, C.
sa pagkakataon ito, ito yung una'ng obra na nagawa ko. Actually, assignment namin ito sa FILIPINO nung nasa 3rd year High School pa ako. Kaya pagt'yagaan nyo na lang masyadong ma-drama
-------------------------------------------------------------------------------------
Bakit
ang iyong ganda buhat nang masilayan
hindi mapakali ang aking isipan
ang gusto ko'y lagi kang namamasdan
subalit ako ay laging iniwasan
O bakit mahal ko? o bakit mahal ko?
bakit ako'y laging iniiwasan mo
may pagkakasala ba ako ?
baka naman may iba sa puso mo.
Di naman maglalaho, pag-ibig ko'y sayo
subalit hindi pa rin pansin 'tong puso
mahal kita sa damdamin ikaw lang sinta
hanggang sa mundo'y tuluyang maglaho na.
ito lang ang aking kahilingan
sana ay buksan pinto ng puso mo
sa katulad kong labis na humahanga
at tapat magmahal ng taos sa puso.
Timer
3 weeks ago
2 reaksyon:
Thursday, April 07, 2005 10:17:00 AM
ang ganda talaga basahin yung mga unang tula ng mga manunulat... napaka-simple at inosente. walang kaarte-arte. mas natural at mas honest. :)
Thursday, April 07, 2005 11:48:00 AM
talaga lng po! nakakaaliw nman yung word nyo : inosente hehe
Post a Comment