-o- T O L i t S -o- You think you know, but you have no idea...

Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Cocojam

{lumang tula (yr 2000) sa bagong blog template}



Nangungulila ako
sa mga yakap mong di ko natikman
sa mga halik mong
kasing tamis ng coco jam
na lagi kong inaasam.

Binabangungot ako
sa mga gabing pinalipas
ng tinig ng tuko
ang isipanng nilasing ng
kagandahan mo
na siyang laging
pinapangarap ko.

Bubusugin na nga lang ba
ang damdamin
sa pag-papantasya?
ilang taon pa ba
ang sasayangin
para mapansin?
kung ang lobo'y
napapagod
sa pag sayaw sa hangin.
Kelan mo kaya ako
kakausapin?

what am i good at?

What am i good at?
29 january 2007

kitang - kita ko
ang kalawakan ng makati

habang nanginginig
ang mga kamay
habang nanlalamig
ang pakiramdam
habang nag iisip ng sagot
sa mga tanong na parang out-this-world...


matapos ang sandaang segundo
matapos tawagin ang libo-libong mga santo
matapos pumatak ang milyong-milyong mga pawis
sa loob ng air-conditioned room....


nasabi ko na lang..."Pardon me Sir?".

Ayaw ko ng Alaska Evaporada

Ayaw ko ng Alaska Evaporada



Animo'y mga ibong
lumilipad
ang utak ko.
Naghahanap ng pugad
na masisilungan
at kakanlong
sa nilalamig na puso
ng pagdaramdam.


Amats kaya ito ng MERLOT?
o epekto ng ilang gabing
di dalawin ng antok
at pakikipag-usap sa
huni ng electric fan
na pabalik-balik na
bumubuga ng hangin?


O sadyang epekto ng
kapeng kasing-tapang ng apog
ng pagmumukha ng kahapon
na nasobrahan sa Caffeine?

malamang dahil nga sa kape.

bukas gatas na lang ang iinumin ko
hindi yung Alaska evaporada
dapat yung Bear Brand.

Excited

Excited
19 July 2006

Nakita kita
habang nakapikit
ang mga mata

nararamdaman ko
ang halimuyak
ng iyong mga yakap at halik.

Habang gumigiya ako
sa magdamag na pananabik
na makita ka.



p.s. dami nagtatanung sakin kung excited ba ako sa 31 of this month...
Why not??.... i am not just excited but super excited.

click me for more....

tampo

tinangay ng nakalipas
ang maghapon
kasabay ng pagpatak

ng libo-libong alalahanin
habang nagtatampisaw
sa tampo
ang kaluluwang umaamot
ng pansin
kahit hindi sinasadya

binabangungot ako
ng iyong pasensya
sa mga kwentong
nilangaw
at pangakong
sadyang kinalimutan

tulad nito,
tulad ngayon!

walang pamagat


Nangingilid ang luha
sa mga mata
nagbabadya ng di kaaya-ayang
pagbaha ng mga bugtong-hininga
sasabayan ng libo-libong alalahanin
habang magtatampisaw sa tampo
ang kaluluwang
umaamot ng pansin
kahit di sinasadya.

Sa sulok ng madilim na silid
masugid na inaabangan
ang pambihirang liwanag
upang muling masilayan
ang nag-aalab na mga ngiti
ng kahapon
at dugtungan
ang duyan ng nagsanga-sanga'ng
alaala
ng nakalipas.


Ngunit nasa'n ang liwanag
tinakasan na
at di na mahagilap.


LINTEK! talaga 'tong meralco,
papa'no na ang "DARNA"'ng
inaabangan ko.



{para sa mga taong may inhibisyon kay DARNA : Angel Locsin}


Image hosted by TinyPic.com

Hibang

Natatanaw ko ang liwanag
na iyong taglay
dito sa kinaroroonan ko
malayo sa piling mo
subalit,
di ko nakikita ang kislap
na nagmumula sa'yong mga mata
na kung masisilayan lamang
ibayong ligaya ang madarama.
hibang kang maituturing
kung hindi mamalasin, nanamnamin
ang kulay at hugis
ng mundong umiikot sa'yo?
sadya nga bang nasilaw na ito
sa alab ng sikat ng araw?
O pilit lamang ipinipikit
upang di mamalas ang kapaitang
sinapit sa mga nagdaang panahon?
O ang pangamba sa paanyaya ng
darating na bukas?
subalit paano ang ngayon at ang kasalukuyan?
kung patuloy na nakapinid
ang salamin ng 'yong buhay
maghihintay na nga lang ba?
hanggang kailan?
hanggang saan?
ipakita mo naman.


-------------------------------
gawa ko nung May '98


Sa Minsang Pagmulat ng mga Mata. <--- click n'yo ito

Unang Tula : Bakit ?

Nakakatuw'ng balikan yung mga 1st sa buhay natin.yung unang nagsalita, lumakad, tumakbo pati ata pagkakadapa; yung unang tayong pumasok sa iskwela, nagsulat, natutong magbilang ng 1,2,.3 ... at magbasa ng A, B, C.
sa pagkakataon ito, ito yung una'ng obra na nagawa ko. Actually, assignment namin ito sa FILIPINO nung nasa 3rd year High School pa ako. Kaya pagt'yagaan nyo na lang masyadong ma-drama
-------------------------------------------------------------------------------------

Bakit



ang iyong ganda buhat nang masilayan
hindi mapakali ang aking isipan
ang gusto ko'y lagi kang namamasdan
subalit ako ay laging iniwasan

O bakit mahal ko? o bakit mahal ko?
bakit ako'y laging iniiwasan mo
may pagkakasala ba ako ?
baka naman may iba sa puso mo.

Di naman maglalaho, pag-ibig ko'y sayo
subalit hindi pa rin pansin 'tong puso
mahal kita sa damdamin ikaw lang sinta
hanggang sa mundo'y tuluyang maglaho na.

ito lang ang aking kahilingan
sana ay buksan pinto ng puso mo
sa katulad kong labis na humahanga
at tapat magmahal ng taos sa puso.