As usual nag attempt na magkita-kita ang High School Batch 94, kaya si betchai nagOrganize ulit which was set last 20th of May.
sometime before the 20th, i recieved an email galing sa yahoogroup stating kung sinu-sino yung mga nagcommit..
cil, razel, michelle, caridad, alma, analyn, janet, jeniline
20th of May / McDonalds, Roxas Boulevard
Nadatnan ko sila razel, mitch, analyn at janet na nag-aantay. Kwentuhan. Batian. kumustahan.tsibugan. To think na diet itong si beth, sige pa rin ang lafang dun sa french fries na binili na mami yo!. "Tumaba ka at para kang pumuti (uy Pumuti daw ako hehehe)." Ewan ko ba halos lahat naman ata ng klasmeyt natin e nagtatabaan..tanong nyo pa kay cilica?! hehehe
common question that day : nasan na sila? saan tayo pupunta? tayo lang ba?
honga, kami lang ba? nasaan na yung nagcommit. ito na yung final list
beth,cil, razel, michelle, caridad, alma, analyn, janet, jeniline ,at tolits.
Music 21, EDSA Pasay City
Room #22. abala na ang official organizer sa kahahanap at kakapindot ng control para sa mga songs na kakantahin. kaya ayun hataw na sa kanta..
Para nga ba kanino ang "crazy for you" ni janeth; e yung "almost over you", its over now" ni mitch?! hahaha sorry sa pang-iintriga ha..
pag katapos ng "can't get you out of my mind" lipat ulit ng venue...
Max's Restaurant, Malate Manila
Dinner time.
On menu:
Kare-kare
Sinigang na hipon
Fried Chicken
Buko pandan
leche plan
Bottomless iced tea Pitcher of Iced tea.
While taking our food, theng noticed someting on her plate.She found out na meron syang kasamang "expiration date tag". Naisip ko tuloy na may expiration date ang mga kare-kare unless hindi pa ito panis.Or sadya'ng nilagay iyon kasi part iyon ng ingredients at napapasarap ang lasa nito para lalo magugustuhan (eww!).
kakainis lang yung comment ng waiter na halos ubos na daw yung sahog bago namin sinabi na may nakitang foreign thing dun sa niluto nila.sarap batukan!.. isa-suggest ko sana na yung menu list nila nilagyan ng "KARE-KARE With Expiration Date Tag" para nang sa ganun, pag nakakita kaming ganun e hindi na kami aangal.T'yak na matutuwa pa kami at malamang masabi namin ito: "Uy may expiration date tag yung kare-kare nila kaya pala masarap e!".
Unforgettable line ni analyn."Di pa ako Tapos kumain" . Kunin ba naman yung plate mo habang kumakain ka e.Baka mabatukan mo pa yung waiter na yun. Buti na lang mabait si analyn.hehehe!
Indo's Strip, Baywalk
Matapos yung pabalik- balik na paglalakad , nakakita din ako ng place. Indo's strip.
Inuman na : 2 San Mig light, 1 pineapple juice, 1 iced tea (dapat Nestea), 1 Coke, at yung ibang drinks... isang wedge fries, 4 na barbecue,1 Pringles
dito sa indo's place nangyari yung sinasabi ni cilica na :
"super reminising ang topic ng tsikahan...yung mga lovelife nung highschool yung mga naging mag-on at mga tsismis lang na mag-on pero di pala..hehehe...hanggang na napunta sa mga unfinished business...."
dito na sa unfinished business umikot ang baliktaktakan.. "what if?", "pero kung ako yung mahirap..", at marami pang iba.
umabot ng 2am ang wentuhan.
McDonald's Kabihasnan, Parañaque
Kailangan nang umuwi, may shooting pa si "Nurse Jung Geum" at may duty pa sa hospital. baka sa sobrang antok nya ibang gamot ang masaksak nya sa pasyente ipapatay pa sya ni Hari.hehehe!
Gawa ng alanganin oras. Nagpasya kaming lima (cil, mitch, razel, beth at ako) na "magkape" daw sa mcDonalds pero parang breakfast ang nagyari eheheh .. hala ganun pa din wentuhan ulit..
5am ng nagpasya na magkahiwalay hiwalay.